BI nakaalerto sa mga bumibyahe patungong Dubai

By deployment ban November 29, 2019 - 12:34 PM

Naka-alerto ang Bureau of Immigration (BI) officers sa NAIA partikular sa mga pasaherong patungo ng Dubai,UAE.

Ito ay kasunod ng report na ginagamit ng human trafficking syndicates ang UAE bilang transit point patungo ng Iraq.

Bunga nito, mahigpit ang ginagawang screening ngayon ng Immigration officers sa mga pasaherong patungo ng nasabing destinasyon partikular ang mga nagpapanggap na turista.

Una nang inalerto ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang BI kasunod report na ginagamit ng illegal recruiters ang social media para magrecruit ng OFWs patungong Iraq.

Ito ay sa kabila ng umiiral na deployment ban sa nasabing bansa.

TAGS: BI, DFA, illegal recruiters, Iraq, mahigpit na screening, NAIA, OFWs patungong Iraq, social media, UAE, BI, DFA, illegal recruiters, Iraq, mahigpit na screening, NAIA, OFWs patungong Iraq, social media, UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.