Typhoon “Kammuri” lumakas pa; posibilidad na maging isang Super Typhoon hindi isinasantabi ng PAGASA
Lalo pang lumakas ang Typhoon “Kammuri” habang kumikilos ito papalapit sa bansa.
Ang bagyo ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,470 kilometers East ng Southern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 170 kilometers bawat oras.
Bumagal ang kilos ng bagyo sa direksyong northwest.
Sa pagitan ng Sabado (Nov. 30) ng gabi at Linggo (Dec. 1) ng umaga inaasahang papasok sa bansa ang bagyo at papangalanan itong Tisoy.
Maaring magtaas na ng Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa Linggo sa eastern portion ng Bicol Region at Eastern Visayas.
Simula sa Lunes, (December 2) magpapaulan na ang bagyo sa Bicol Region at Samar provinces.
Sa Martes, December 3 at Miyerkules, December 4 ay makararanas ng na ng heavy hanggang intense na p ag-ulan sa Central Luzon, Bicol Region, Southern Luzon, at Metro Manila.
Hindi naman inaalis ng PAGASA ang posibilidad na lalakas pa at magiging Super Typhoon ang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.