Sen. Lito Lapid nais magkaroon ng senior citizen representative sa bawat LGU councils

By Jan Escosio November 29, 2019 - 11:51 AM

Isinusulong ni Senator Manuel “Lito” Lapid ang pagkakaroon senior citizen sectoral representative sa lahat local legislative councils.

Paliwanag ni Lapid layon ng kanyang panukala na magkaroon ng bahagi ang mga senior citizens sa lokal na pamamahala at lehislatura.

Aniya isang paraan ito para maging kapaki-pakinabangan pa ang tumatandang populasyon ng bansa.

Sa kanyang Senate Bill No. 1169, magkakaroon ng mandatory sectoral representation ang senior citizens sa mga local government legislative councils, mula sa barangay hanggang sa sangguniang panlalawigan.

Maganda aniya na marinig ang panig ng mga senior citizens sa pagbalangkas ng mga lokal na ordinansa lalo na para sa kanilang kapakanan at pangangailangan.

TAGS: LGU councils, lokal na pamamahala at lehislatura, Sen. Lito Lapid, Senate Bill No. 1169, senior citizens, LGU councils, lokal na pamamahala at lehislatura, Sen. Lito Lapid, Senate Bill No. 1169, senior citizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.