Bahagi ng Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan isasara sa daloy ng traffic sa Nov. 30

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 11:13 AM

Ilang oras na isasara sa daloy ng traffic ang bahagi ng Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City.

Ito ay para sa gagawing ng pagdiriwang ng ika-156 na Anibersaryo ng Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

Ang closure ay mula alas 12:01 ng madaling araw ng Sabado, Nov.. 30.

Pinayuhan ang mga motorista na iwasan na lamang muna ang pagdaan sa nasabing lugar para hindi maabala.

Magdaraos ng aktibidad bukas sa Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan para sa selebrasyon ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio.

TAGS: Anibersaryo ng Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio., Bahagi ng Bonifacio Monumento Circle, caloocan, isasara sa daloy ng traffic, Nov. 30 2019, Anibersaryo ng Kaarawan ni Gat Andres Bonifacio., Bahagi ng Bonifacio Monumento Circle, caloocan, isasara sa daloy ng traffic, Nov. 30 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.