P50K pabuya inialok para sa makapagbibigay ng impormasyon sa 3 nawawalang empleyado ng Zamboanga City Hall

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 10:43 AM

Nag-alok ng P50,000 pabuya ang City Government ng Zamboanga para sa makapagbibigay ng impormasyon sa nawawalang tatlong empleyado ng City Hall.

Ang tatlo ay nawala noong Martes, Nov. 26 habang sakay ng pumboat sa Sta. Cruz Island.

Kasama ding nawala sa nasabing insidente ang boatman.

Biyernes (Nov. 29) ng umaga ay may natagpuang bangkay na palutang-lutang sa isla pero hindi pa ito nakikilala.

Tiniyak naman ni Zamboanga City Mayor Beng Climaco na gagawin ang lahat upang mahanap ang mga nawawala.

Itinuturing ng mga otoridad na isang maritime incident ang nangyari.

Kabilang sa nawawala ay sina Badzair Attan, 46 anyos at casual employee sa City Hall; Mudzmar Habing at at Ibrahim Hassan na kapwa job order employees at ang boatman na si Rasbi Ambiting, 22 anyos.

Na-recover na ng mga otoridad ang pumboat na ginamit ng apat.

Patuloy naman ang ginagawang paghahanap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard, CDRRMO, Air Force, Philippine Navy at iba pang otoridad.

TAGS: 3 nawawalang empleyado, city government, P50K pabuya, Zamboanga City, Zamboanga City Hall, Zamboanga City Mayor Beng Climaco, 3 nawawalang empleyado, city government, P50K pabuya, Zamboanga City, Zamboanga City Hall, Zamboanga City Mayor Beng Climaco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.