US Troops sa Afghanistan binisita ni President Donald Trump

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 09:32 AM SHARE(S):

Binisita ni U.S. President Donald Trump ang mga tropa ng militar sa Afghanistan.

Sa kaniyang sorpresang pagbisita, sinabi ni Trump na muling magsisimula ang pakikipag-usap sa Taliban insurgents.

Partikular na tinungo niTrump ang Bagram Airfield sa Kabul.

At dahil natapat na ginugunita ang Thanksgiving Day, naghanda ng Turkey para sa hapunan ng mga sundalo.

Makipagpulong din si Trump kay Afghan President Ashraf Ghani.

Mayroon pang 13,000 US troops na nananatili sa Afghanistan.

Sinabi ni Trump na pinili niyang ipagdiwang ang Thanksgiving Day kasama ang mga sundalo.

TAGS: President Donald Trump, thanksgiving day, US Troops sa Afghanistan, President Donald Trump, thanksgiving day, US Troops sa Afghanistan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.