DOH: Dumami ang mga batang hindi nabakunahan kontra polio sa nakalipas na ilang taon

Sa paglipas ng ilang taon, dumami ang mga batang hindi nabakunahan laban sa polio.

Ayon sa Department of Health (DOH) ito ang dahilan kung bakit muling nagkaroon ng pagkalat ng poliovirus sa bansa.

Ang Sabayang Patak Kontra Polio ay inilunsad ng DOH para masugpo ang polio outbreak sa bansa.

Nagsimula ito noong ika-25 ng Nobyembre hanggang ika-7 ng Disyembre.

Nagaganap ito sa buong Mindanao at Metro Manila.

Paalala ng DOH sa mga magulang, kahit may bakuna na dati o kumpleto na ang bakuna laban sa polio, kailangan pa ring bakunahan ang mga anak.

Dahil may outbreak, kailangan nila ng dagdag proteksiyon.

Hindi naman dapat mag-alala dahil walang overdose sa polio vaccine at libre din itong ibibigay sa mga bata.

Ligtas din ang bakuna kahit pa may sinat, ubo o sipon ang bata.

Ang kampanya ng DOH ay suportado ng Philippine Pediatric Society o samahan ng mga pediatrician sa Pilipinas.

Read more...