Bilang ng nasawi sa Magnitude 6.4 na lindol sa Albania umakyat na sa 46

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 07:21 AM SHARE(S):

Umakyat na sa 46 ang bilang ng mga nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Albania noong Martes.

Nakapagtala na rin ang mga otoridad ng 500 aftershocks na maya’t maya at ay nararamdaman ng mga residente.

Sa isang gumuhong bahay sa Durres town, natagpuan ang walang buhay na katawan ng isang ina, at kaniyang tatlong anak na edad 2 (kambal) at edad 7.

Sa isang gumuhong hotel sa bahagi ng Durres Beach, may isa pang katawan na natagpuan.

Patuloy pa ang search and rescue operations ng European at Albanian seach teams at umaasang makahahanap pa ng survivors.

1979 nang may tumamang malakas na pagyanig din sa Albania kung saan 40 ang nasawi.

TAGS: 46 dead, albania quake, magnitude 6.4, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 46 dead, albania quake, magnitude 6.4, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.