(UPDATE) Ilang flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kanselado ngayong araw ng Biyernes, Nov. 29, 2019.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang sumusunod na flights:
TERMINAL 2
– PAL Express – 2P 2787/2788 – Manila-Puerto Princesa-Manila
TERMINAL 3
– Cebu Pacific – 5J 321 / 322 Manila – Legazpi – Manila
TERMINAL 4
– CebGo – DG 6177 / 6178 Manila -Masbate -Manila
Ito ay dahil sa hindi magandang panahon sa Legazpi, Albay.
Ang mga apektadong pasahero ay pinayuhan ng MIAA na direktang makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.
MOST READ
LATEST STORIES