Pito patay sa plane crash sa Canada

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 06:35 AM

Pito ang nasawi kabilang ang ilang bata sa pagbagsak ng isang eroplano sa Kingston City sa Canada.

Ayon sa Transportation Safety Board ng Canada isang maliit na eroplano ang nag-crash.

Agad nakapagpadala ng team ang TSB sa crash site.

Ang maliit na eroplano ay umalis sa Markham, Ontario at patungo dapat sa Kingston Airport.

Ayon kay Kingston Police Const. Ash Gutheinz, nasawi ang lahat ng sakay ng eroplano.

Hindi pa naman muna inilabas ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Nakataas ang wind advisory sa lugar nang mangyari ang plane crash.

TAGS: 7 dead, kingston canada, PH news, Philippine breaking news, plane crash, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Transportation Safety Board, 7 dead, kingston canada, PH news, Philippine breaking news, plane crash, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Transportation Safety Board

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.