Concert tour ni Madonna kinansela, sinabing kailangan niya ng pahinga

By Dona Dominguez-Cargullo November 29, 2019 - 05:43 AM SHARE(S):

Inanunsyo ng American singer na si Madonna ang kanselasyon ng kaniyang concert tour.

Ang nararanasang “overwhelming pain” ang idinahilan ng singer sa pagkansela ng concert tour.

Ayon kay Madonna, masaya siya tuwing mayroon siyang show kaya napakahirap para sa kaniyang kanselahin ang concert.

Pero may sakit aniya siyang iniinda sa ngayon at kailangan niyang magpahinga at sundin ang payo ng mga duktor upang maibalik ang kaniyang lakas.

Ang concert tour ni Madonna ay bilang pag-promote sa kaniyang ika 14 na studio album na may titulong “Madame X”.

Bilang bahagi ng tour ay nakapagtanghal na siya sa ilang bahagi ng Amerika gaya ng Chicago at San Francisco.

TAGS: concert tour, Madonna, PH news, Philippine breaking news, pop queen, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, concert tour, Madonna, PH news, Philippine breaking news, pop queen, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.