Typhoon ‘Kammuri’ lumakas pa, posibleng tumama sa Bicol Region

By Rhommel Balasbas November 29, 2019 - 05:36 AM

Patuloy ang paglakas ng binabantayang ‘Typhoon Kammuri’ na papangalanang ‘Tisoy’ pagpasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR)

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1.350 kilometro Silangan ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 km kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 km bawat oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 25 km kada oras at inaasahang papasok ng PAR sa pagitan ng Sabado ng gabi at Linggo ng umaga.

Ayon sa PAGASA, pagpasok ng PAR ay aabutin pa ng tatlong araw bago ito tuluyang tumama sa Southern Luzon partikular sa Bicol Region.
Ngayong araw, magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa northeast monsoon o Amihan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay bahagyang apektado na rin ng Amihan at makararanas ng pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Sa Visayas at Mindanao asahan ang maalisangang panahon na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Samantala, nakataas ngayon ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Cagayan kasama ang Babuyan Islands
– Isabela
– Aurora
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Camarines Norte
– Northern coast ng Camarines Sur
– Catanduanes
– Eastern coast ng Quezon kasama ang Polillo Island
– Northern coast ng Northern
– Eastern Samar

TAGS: #TisoyPH, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Kammuri, weather, #TisoyPH, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Kammuri, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.