Duterte sa impormasyon ni Robredo sa drug war: ‘Ilabas mo!’

By Rhommel Balasbas November 29, 2019 - 01:51 AM

Gigil na hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na ilabas ang kanyang nalaman sa giyera kontra droga ng administrasyon.

Sa press briefing sa Malacañang Huwebes ng gabi, sinabi ng pangulo na tila nananakot ang bise presidente at kung may impormasyon ito ay dapat niya nang ilabas.

“You seem to be threatening na may information ka. Ilabas mo,” ani Duterte.

Sinopla rin ni Duterte ang mga naging aksyon ni Robredo habang nakaupo ito bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Tinutukoy ng presidente ang pakikipagpulong ni Robredo sa mga opisyal ng US Embassy sa Maynila kasama ang mga kinatawan ng US Federal Bureau of Investigation, Drug Enforcement Administration, US State Department and US Agency for International Development.

“Instead of talking to the law enforcement, instead of talking to the barangay captains, instead of talking to itong mga taong handling the rehabilitation, she made an asshole of herself,” ayon sa pangulo.

Ang pahayag ng pangulo ay sa kabila ng pagbisita ni Robredo sa Market 3 sa Navotas na hotspot ng anti-drug operations ng pulisya; patungo sa mga nagtapos sa rehab program sa Dinalupihan, Bataan; at pagbisita rin sa rehab center sa Quezon City.

Nakapulong din mismo ng bise presidente ang Dangerous Drugs Board, Department of the Interior and Local Government, at ang Department of Health.

TAGS: drug war, expose, ilabas mo, Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, drug war, expose, ilabas mo, Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.