Duterte sa SEA Games organizers: “What happened to the money?”

By Rhommel Balasbas November 29, 2019 - 01:08 AM

Nagtataka si Pangulong Rodrigo Duterte kung ano ang nangyari sa perang inilaan para sa hosting ng bansa sa 2019 Southeast Asian Games.

Ito ay matapos ang mga aberyang naganap ilang araw bago opisyal na magsimula ang regional meet.

Sa press briefing sa Malacañang Huwebes ng gabi, sinabi ng pangulo na sa laki ng pondo para sa SEA Games ay maayos dapat ang pagpapatakbo nito.

Nagtataka ang pangulo kung anong nangyari sa pera at may nangyari pa ring mga kapalpakan.

“Personally, there was a lot of money poured into this activity now. And I suppose with that kind of money you can run things smoothly. Apparently, may mga palpak. If there’s the money there, what happened to the money?” tanong ng pangulo.

Sa kabila nito, minaliit ni Duterte ang mga alegasyon ng korapsyon dahil may integridad anya ang mga taong humahawak nito.

Si House Speaker Alan Peter Cayetano ang chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na punong-abala sa pag-oorganisa sa palaro.

Sinabi ni Duterte na kailangan ngang linawin ni Cayetano ang mga aberya pero sigurado siyang hindi ito sangkot sa korapsyon.

“He has to answer but I am sure Cayetano is not involved in corruption,” ani Duterte.

Tiniyak ng pangulo na magkakaroon ng imbestigasyon.

Posible anyang hindi lamang naging maayos ang ‘disbursement’ ng pondo para sa SEA Games.

“I assure you, there will be an investigation,” ayon sa pangulo.

“I’m just trying to find out because the money might not have been properly disbursed,” dagdag nito.

TAGS: 30th Southeast Asian Games (SEAG), alleged corruption, Cayetano not involved, Philippines 2019 Southeast Asian Games, Rodrigo Duterte, what happened to the money, 30th Southeast Asian Games (SEAG), alleged corruption, Cayetano not involved, Philippines 2019 Southeast Asian Games, Rodrigo Duterte, what happened to the money

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.