M3.0 na lindol naitala sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar alas-12:23 Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong 29 kilometro Timog-Silangan ng Borongan City.

May lalim itong 38 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...