‘Media sabotage claim’ ni Speaker Cayetano sa SEA Games pinalagan
Inalmahan ng Foreign Correspondents Association of the Philippines o Focap ang naging pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nagiging bahagi ang media sa pananabotahe sa nalalapit na 30th SEA Games sa bansa.
Sa inilabas na pahayag ng Focap, iginiit na iniuulat ng mga independent journalists ang lahat ng mga isyu at problema na may pampublikong interes.
At bahagi ng pag-uulat ang panawagan ng pananagutan.
Bago ito, sinabi ni Cayetano na maaring may pagtatangka na suhulan ang ilang taga-media para siraan ang pagho-host ng Pilipinas sa SEA Games ngayon taon.
Nagsisilbing chairman si Cayetano ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee o PHISGOC, ang punong-abala sa paghahanda at pagdaraos ng sporting event.
Diin ng Focap, hindi katanggap-tanggap ang alegasyon ni Cayetano at hinamon nila ito na maglabas ng mga ebidensiya.
Dagdag pa ng organisasyon, taliwas din sa mandato ng mga mamamahayag ang panawagan ng mga organizers na iulat lang ang mga magagandang balita.
Anila ang tapat na pagta-trabaho ng mga mamamahayag ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan at mamamayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.