Typhoon Kammuri lumakas pa; papasok sa bansa sa Sabado ng gabi o Linggo ng umaga

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 05:35 PM

Huling namataan ang Typhoon Kammuri sa layong 1,425 kilometers east ng Visayas.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist, Raymond Ordinario, 10 kilometers bawat oras ang kilos ng bagyo sa direksyong pa- hilagang kanluran.

Sa Sabado ng gabi o bukas Linggo ng umaga inaasahang papasok ng bansa ang bagyo.

Maaring magtaaas ng Signal Numer 1 sa Bicol Region sa sandaling pumasok sa bansa ang bagyo.

Ayon sa PAGASA, sa Lunes (Dec. 2), lalapit na ang bagyo at magpapaulan na sa Bicol Region.

Sa Martes (Dec. 3), posibleng tumama sa kalupaan ng Aurora Area o Bicol Region ang bagyo.

Ang araw ng Martes (Dec. 2) at Miyerkules (Dec. 3) ang ituturing na critical days para sa bagyong Kammuri dahil babaybay ito ng Southern Tagalog.

Bagaman hihina ang bagyo sa sandaling bumaybay sa Southern Tagalog ay mananatili itong nasa typhoon category.

TAGS: #TisoyPH, Pagasa, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Kammuri, weather, #TisoyPH, Pagasa, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Kammuri, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.