Senado nagsuspinde muna ng sesyon hanggang Dec. 9

Isang linggong suspendido ang sesyon sa Senado para magbigay daan sa deliberasyon ng Bicameral Conference Committee sa panukalang P4.1-trillion 2020 national budget.

Ang suspensyon sa Senate session ay dahil nagaganap na 30th Southeast Asian (SEA) Games sa bansa.

Ayon kay House Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sa Lunes, wala talagang pasok sa senado dahil Pasay City Day.

Schedule naman ng bicam sa Martes at Miyerkules at dahil 15 ang miyembro ng bicam na galing sa senado, wala nang magiging quorum sa sesyon kung dadalo ang 15 sa bicam.

Ikinunsidera din ang maraming road closures malapit sa senado gaya ng sa PICC at World Trade Center dahil sa SEA Games.

Dahil dito, ayon kay Zubiri, mananatiling naka-adjourn muna ang senado hanggang Dec. 9.

Read more...