“Eh dapat nga diba sinasabi ko kung totoong meron dapat inilabas niya noon pa. Dahil ba meron silang ginagawang multong nililikha nila?,” ayon kay Panelo.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nakapagtataka kasi na ngayon pa nagbabanta si Robredo na may ibubulgar sa drug war kung kailan sinibak na siya ni Pangulong Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD).
“Oh diba kung meron kang natuklasanag hindi maganda diba dapat inilalabas mo na eh kung gagawa ka palang ng ‘di umanong natuklasan mo, it will really take time to craft. Ang tagal, ang tagal naman masyado.,” ayon kay Panelo.
Dagdag ni Panelo, maaring fabricated report ang isasapubliko ni Robredo.
Ayon kay Panelo, bilang opisyal ng pamahalaan, tungkulin nito na agad ipabatid sa publiko ang anumang katiwalian o iregularidad na kanyang natuklasan maliban na lamang aniya kung fabricated ang mga impormasyon dahil tiyak na talagang kakain ito ng panahon.
“Presumably. Otherwise ikaw ba kung nanjan ka sa loob ng gobyerno natuklasan mo may irregularity you will keep you mouth shut? Immediately may presscon ka I discover this Mr. President this and that e ilang araw na yun? anubayan,” ayon kay Panelo.
Iginiit pa ni Panelo na kailanman, walang itinatago ang pamahalaan sa drug war.