Dating NYC chairman Ronald Cardema pinadalhan ng subpeona ng Comelec sa kaso niyang material misrepresentation

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 04:02 PM

Pinadalhan ng subpeona ng Commission on Elections (Comelec) si dating National Youth Commission chairman Ronald Cardema.

Ito ay para paharapin si Cardema sa pagdinig sa kaniyang kasong may kinalaman sa material misrepresentation.

Ang kaso ay dahil sa pagdedeklara ni Cardema na eligible siyang tumakbo bilang nominee ng Duterte Youth Party-list nominee sa edad niyang 34.

Batay sa subpeona, ang pagdinig ay gaganapin sa COMELEC Law Department sa December 13 alas 10:00 ng umaga.

Binalaan si Cardema na kung hindi siya sisipot sa pagdinig ay ikukunsidera na nagpasya siyang i-waive na ang karapatan niyang maipresenta at maidepensa ang sarili.

 

TAGS: comelec, former NYC chairman Ronald Cardema, hearing, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, subpeona, Tagalog breaking news, tagalog news website, comelec, former NYC chairman Ronald Cardema, hearing, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, subpeona, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.