Pamunuan ng PHISGOC handang humarap sa imbestigasyon kaugnay sa mga naging problema sa SEA Games

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 03:51 PM

Nakahanda ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee na humarap sa anumang imbestigasyon hinggil sa mga problemang naranasan sa pagho-host ng bansa sa 20th SEA Games.

Pahayag ito ng PHISGOC matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na posibleng bumuo ng komite si Pangulong Duterte o magtalaga ng indibidwal na mangunguna sa imbestigasyon.

Ayon sa opisyal na pahayag ng PHISGOC, ilang beses nang sinabi ng chairman nito na si House Speaker Alan Peter Cayeano na handa silang makiisa sa anumang imbestigasyon.

Ito ay sa sandaling matapos na ang SEA Games sa December 12.

Umaasa ang PHISGOC na sa gagawing imbestigasyon ay mabubusisi din ang mga kumalat na fake news ilang araw bago ang pormal na opening ceremony para sa SEA Games.

Aon sa komite hindi lang ang PHISGOC at SEA Games ang nasira sa mga kumalat na pekeng balita kundi maaging ang buong bansa.

Sa ngayon, nanawagan muna ang PHISGOC sa sambayanan nba magkaisa para sa Team Pilipinas.

TAGS: 2019 SEA Games, PH news, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, Philippines Breaking news, Philippines News, PHISGOC, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2019 SEA Games, PH news, Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee, Philippines Breaking news, Philippines News, PHISGOC, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.