GF ng ex-husband ni Camille Dee, tumulong sa pagbaon sa biktima

justice for tania
Photo from FB page

Nagsumite na ng kaniyang salaysay sa Pampanga Police si Angela Dychioco, girlfriend ni Fidel Sheldon Arcenas na suspek sa pagpatay sa bank teller na si Tania Camille Dee.

Sa statement na isinumite sa pulisya, sinabi ni Dychioco na nang dumating siya sa bahay nakita niya si Dee na duguan at wala nang buhay sa loob ng kwarto.

Sa takot, tinulungan na lang umano niya si Arcenas na ibaon ang katawan ni Dee sa likod-bahay. Nagtaka pa umano si Dychioco dahil nakahanda na ang hukay na pagbabaunan kay Dee.

Si Dee ay natagpuang nakabaon sa likod-bahay na inuupahan ni Regine Dychioco noong June 28, matapos siyang mapaulat na nawawala.

Mismong ang nakatatandang Dychioco naman ang humingi ng tulong sa pulisya para sabihing mismong ang anak niyang si Angela ang nagsabi na maaring patay na si Dee at nakabaon sa likod bahay na kaniyang inuupahan./ inquirer.net

Read more...