76 na miyembro ng NPA sumuko sa Soccsksargen at Davao

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 02:59 PM

Aabot sa 76 na mga miyembro ng New People’s Army ang sumuko sa rehiyon ng Soccsksargen at Davao.

Ayon kay Lt. Col. Victorino Seño, deputy chief ng 102nd Infantry Brigade ng Philippine Army, isinuko din ng mga rebelde ang kanilang mga armas.

Sinabi ni Seño na ang mahirap nang buhay sa kabundukan ang dahilan ng pagsuko ng mga rebelde.

Inaasahan namang makikinabang sa ilalim ng Enhanced-Comprehensive Local Integration Program ng administrasyon ang mga sumukong rebelde.

Sa ilalim ng programa, bawat susukong rebelde ay makatatanggap ng ivelihood assistance na P50,000, cash grant na P15,000, at P50,000 na cash din para sa isinukong high-powered firearm.

TAGS: Davao, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Soccsksargen, surrendered npa members, Tagalog breaking news, tagalog news website, Davao, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Soccsksargen, surrendered npa members, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.