WATCH: Sindikato ng ilegal na droga unti-unti nang bumabagsak – Acting PNP Chief Gamboa

Matapos makakumpiska ng P2.6 bilyon na halaga ng shabu, malaki ang paniniwala ni Acting PNP Chief PLt. Gen. Archie Francisco Gamboa na nagsisimula na ang pagbagsak ng mga sindikato ng illegal drugs sa bansa.

Ang pagtitiyak na ito ay kasabay ng pagpresinta ng PNP at PDEA sa media ng tatlong high-value targets na naaresto sa magkasunod na anti-illegal drugs operation sa Makati City at Las Pinas City.

Ipinagmalaki rin ng PNP ang P2.6 billion halaga ng shabu na nakumpiska kasama ang nahuling Chinese National na si Liu Chao at magkapatid na Joel at Merwin Bustamante.

Itinuturing nila ito na pinakamalaking accomplishment ng PNP at PDEA sa kampanya kontra illegal drugs.

Ayon kay Gamboa, nasa supply side ng illegal drugs nakatuon ang kanilang operasyon habang sisikaping nilang matigil ang network nito sa bansa.

Sinabi naman ni PDEA Deputy General for Operartion Greg Pimentel, galing sa labas ng bansa ang supply ng droga pero hindi nito sinabi kung kabilang ang China na pinagmumulan ng shabu gaya ng ginigiit ni Vice President Leni Robredo.

Pagkatapos masuri ang illegal drugs ng PNP Crime Laboratory ituturn-over na ito sa PDEA para sa safe keeping dahil gagamiting ebidensya sa korte.

Read more...