Tatlo patay sa sunog sa dalawang insidente ng sunog sa Olongapo City

Tatlo ang nasawi kabilang ang dalawang menor de edad sa magkahiwalay na sunog na naganap sa Olongapo City.

Ayon sa local chapterng Philippine Red Cross, tumagal lang ng 40 minuto ang sunog sa Barangay Barretto sa lungsod Huwebes (Nov. 28) ng madaling araw.

Matapos ang sunog, nakita ang walang buhay na katawan ng mga batang sina JM Aquino, 10 taong gulang at Yvette Bucad, 13 na taong gulang.

Samantala, Miyerkules (Nov. 27) ng gabi, isa pang bahay ang tinupok rin ng apoy sa Barangay East Tapinac.

Nasawi naman sa nasabing sunog si Jonel Fernandez.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang dahilan ng dalawang sunog.

Read more...