Pagkakaroon ng China ng 40% share sa NGCP bahala na ang DND at NICA na tumugon – Malakanyang

By Chona Yu November 28, 2019 - 02:02 PM

Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Department of National Defense (DND) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang pagtugon sa pangamba ng publiko na kontrolado na ng China ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) matapos makuha ang 40 percent share.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, usaping national security ang naturang isyu kung kaya mas makabubuting ang DND at NICA na ang umaksyon ditto.

“Since this is a national security matter, I will defer to the position of the Department of National Defense as well as NICA director,” ayon kay Panelo.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na wala pa namang utos si Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng imbestigasyon.

Pakikinggan aniya muna ng pangulo ang mga pahayag ng kanyang mga security officials.

“Wala pa. Syempre papakinggan muna nya ang security officials nya. security matter iyun eh,” ayon kay Panelo

Una rito, sinabi ni NGCP president at CEO Anthony Almeda na wala namang dapat na ikabahala ang publiko dahil kahit na nakuha na ng China ang 40 percent share sa NGCP, nagsisilbi lang naman silang technical adviser.

TAGS: China ng 40% share, DND at NICA, Malakanyang, ngcp, Presidential spokesman Salvador Panelo, China ng 40% share, DND at NICA, Malakanyang, ngcp, Presidential spokesman Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.