Si Dr. Saffrulah M. Dipatuan ng Ministry of Health-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) ang ginawaran bilang over-all top nocher sa mga Diplomat.
Sa kanyang talumpati, Sinabi ni Dr. Dipatuan na napapanahon ang naturang parangal lalo’t nahaharap ngayon sa samut-saring hamon ang Bangsamoro regiion.
“This award comes at a time when the Bangsamoro Region is faced with challenges in many forms and I accept this as a welcoming respite. I will not accept this award as my own alone. Rather, I will accept this award in behalf of my classmates, my batch, and in behalf of the Bangsamoro People.” Sabi ni Dr. Dipatuan.
Kabilang din sa pinagkalooban ng parangal sina Dr. Abdulhalik Kasim – Deputy Minister for Finance; Dr. Sadaila Rakiin- Chief, Technical Division; Dr. Ehsan Paudac- Cluster Head, NCD, and HRH Deployment Progam Regional Coordinator; Dr. Rolanisah Dipatuan-Dimaporo, MOH Chief of Staff.
Layunin ng nasabing aktibidad na pumili at magtalaga ng mga bagong Diplomates at mga miyembro ng PCHA.
Tema ng aktibidad ngayong taon ay “Governance and Innovation: Creating New Vision in Hospital Management”.
Tututukan ng mga bagong talagang diplomate at kanilang mga kasapi ang mga napapanahong issues na nakaaapekto sa healthcare delivery system, hospital administration at mga kahalintulad na larangan.
Bago ang conferment ay tinalakay muna ang ilang mga usapin katulad ng mga sumusunod: Governance: New Dimension in Healthcare Innovation in Healthcare; Designing Physicians Innovative Plans Skills Hospital Managers Need to be Relevant to the Future Updates on Bioethical Issues and Concerns; Increasing Efficiency: The Future of Healthcare Planning and Design; Integrating Technology and Patient Care to Improve Hospital Services; Quality Improvement Process Through Accreditation; Updates on Medico Legal Cases in Healthcare; at Occupation Health and Safety Standards: Managing a Safe Environment of Health Workers in the Hospital.