Ilang residente ng Biñan City libreng makakanood ng laban ng ‘Azkals’ at ‘Malditas’ sa Biñan Stadium

Libreng makakapanood ng laban ng Footbal teams ng Pilipinas ang piling mga residente ng Biñan City, Laguna.

Ayon kay Biñan City Mayor. Arman Dimaguila, simula November 29 hanggang sa December 5, libre ang unang 100 residente ng lungsod para makanood sa Biñan Football Stadium.

Ang mga residente ay maaring magpatala sa harapan ng City Hall, magdala lamang ng ID o kahit anong katibayan na residente ng lungsod upang makakuha ng libreng ticket.

Pagkakalooban din sila ng T-shirt.

Ayon kay Dimaguila ito ay bilang pagsuporta ng lungsod sa Team Azkals at Team Malditas ng Pilipinas sa kanilang mga laban pasa sa 2019 Southeast Asian Game.

Read more...