Bagyong “Kammuri” lumakas pa isa nang Typhoon ayon sa PAGASA
Lumakas pa ang bagyong may international name na “Kammuri” at ngayon ay isa nang ganap na Typhoon.
Sa 11AM weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa lagyong 1,430 kilometers east ng Visayas.
Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras at pagbugsong 150 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.
Habang palapit sa boundary ng bansa ang bagyo ay babagal pa ang kilos nito.
Sa pagitan ng Sabado ng gabi at Linggo ng umaga ay inaasahang papasok ng bansa ang bagyo at papangalanan itong “Tisoy”.
Ayon sa PAGASA, sa Lunes (Dec. 2), lalapit na ang bagyo at magpapaulan na sa Bicol Region.
Sa Martes (Dec. 3), posibleng tumama sa kalupaan ng Aurora Area o Bicol Region ang bagyo.
Ayon sa PAGASA, ang araw ng Martes (Dec. 2) at Miyerkules (Dec. 3) ang ituturing na critical days para sa bagyong Kammuri dahil babaybay ito ng Southern Tagalog.
Bagaman hihina ang bagyo sa sandaling bumaybay sa Southern Tagalog ay mananatili itong nasa typhoon category.
Sa Linggo (Dec. 2) inaasahang magtataas ang PAGASA ng Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa eastern portion ng Bicol Region at sa Eastern Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.