17 Chinese huli sa iligal na pagnenegosyo sa Maynila

By Ricky Brozas November 28, 2019 - 11:16 AM

Arestado sa isinagawang raid ng Bureau of Immigration (BI) ang labingpitong Chinese nationals na iligal na nagtitinda sa Sto. Cristo St. Divisoria, Manila.

Ayon sa BI, ang naturang mga dayuhan ay walang kaukulang immigration visas o permits.

Kasama rin sa mga dinakip ang tatlong mga Filipinong kasamahan ng mga ito pero sila ay agad na pinakawalan matapos mapatunayang tunay na Filipino citizens.

Ang serye ng raid sa Divisoria ay ginawa ng BI kasunod ng report ng mga lehitimong vendors sa lugar hinggil sa pagtitinda ng mga Chinese sa sidewalks ng agricultural products tulad ng bawang at sibuyas.

Sila ay dinala na sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang inaayos ang deportation proceedings.

TAGS: Chinese Nationals, Divisoria, illegal vendor, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Chinese Nationals, Divisoria, illegal vendor, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.