Klase sa ilang paaralan sa Pasay, Pasig at Maynila sinuspinde ng DepEd mula Dec. 2 at 6

Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang klase sa ilang paaralan sa Maynila, Pasig at Pasay simula December 2 hanggang 6.

Ayon sa DepEd, ito ay base na rin sa kahilingan ng Pilippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Gagamitin ang classrooms mula sa ilang mga paaralan sa tatlong lungsod bilang quarters o lounge ng halos 300 drivers na magsisilbi sa SEA Games.

Kabilang sa mga paaralan na suspendido ang klase sa nasabing mga petsa ang mga sumusunod:

MAYNILA
– Aurora A. Quezon Elementary School

PASAY CITY
– Gotamco Elementary School
– Andres Bonifacio Elementary School
– Rafael Palma Elementary School

PASIG CITY
– Oranbo Elementary School
– Bagong Ilog Elementary School

Kabuuang 43 mga classrooms ang gagamitin bilang quarters ng 296 na mga driver.

Read more...