Klase sa ilang paaralan sa Pasay, Pasig at Maynila sinuspinde ng DepEd mula Dec. 2 at 6

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 10:57 AM

Sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang klase sa ilang paaralan sa Maynila, Pasig at Pasay simula December 2 hanggang 6.

Ayon sa DepEd, ito ay base na rin sa kahilingan ng Pilippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Gagamitin ang classrooms mula sa ilang mga paaralan sa tatlong lungsod bilang quarters o lounge ng halos 300 drivers na magsisilbi sa SEA Games.

Kabilang sa mga paaralan na suspendido ang klase sa nasabing mga petsa ang mga sumusunod:

MAYNILA
– Aurora A. Quezon Elementary School

PASAY CITY
– Gotamco Elementary School
– Andres Bonifacio Elementary School
– Rafael Palma Elementary School

PASIG CITY
– Oranbo Elementary School
– Bagong Ilog Elementary School

Kabuuang 43 mga classrooms ang gagamitin bilang quarters ng 296 na mga driver.

TAGS: class suspension, deped, manila, Pasay, pasig, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok, class suspension, deped, manila, Pasay, pasig, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, sea games, Tagalog breaking news, tagalog news website, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.