Malakanyang nanawagan ng ceasefire sa mga bumabatikos sa SEA Games
Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko na tigilan na muna ang mga pambabatikos at bashing kaugnay sa mga kapalpakakan sa Southeast Asian Games.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi ito ang tamang panahon sa mga pambabatikos.
Deserve aniya ngayon ng mga Filipino na atleta ang lahat ng uri ng suporta para manalo sa SEA Games.
Umaapela rin ang palasyo sa publiko na bigyan ng mainit nanpagtanggap o ng “Filipino hospitality” ang mga dayuhang atleta at bisita.
Hirit pa ni Panelo, maging mapanuri sa pagbabasa ng mga balita ay huwag agad na maniwala lalo’t marami ang kumakalat na fake news .
Umaapela rin ang palayso sa mga kagawad ng media na maging maingat sa paglalabas ng balita.
Dapat aniyang iwasan ang pagsasapubliko ng mga imoormasyon ang hindi muna sumailaim sa berepikasyon o justification.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.