Biyahe ng LRT -1 nagka-aberya, ilang minutong nasuspinde ang operasyon

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 09:45 AM

Nakaranas ng aberya sa biyahe ang mga pasahero ng LRT line 1.

Alas 9:06 ng umaga ng Huwebes, Nov. 28 nang magpatupad ng speed restriction sa LRT-1.

Pagsapit ng alas 9:13 ng umaga, nagtaas na ng code red sa LRT-1 southbound at pansamantalang sinuspinde ang operasyon dahil sa isang tren na depektibo.

Nagpatupad din ng stop entry habang inaayos ang tren na nagkaprolema sa R. Papa Station southbound.

9:18 ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe ng mga tren.

Pero pinayuhan pa rin ang mga pasahero na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe dahil humaba na ang pila sa mga istasyon bunsod ng ilang minutong aberya.

TAGS: code red, lrt line 1, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, railways, Stop Operation, Tagalog breaking news, tagalog news website, Train, code red, lrt line 1, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, railways, Stop Operation, Tagalog breaking news, tagalog news website, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.