Ayon sa Sandiganbayan, ito ay bunsod ng kawalan ng sapat na ebidensya na magdidiin sa mga dating opisyal.
Ang kaso ay may kaugnayan sa joint venture agreement na pinasok ng LRTA sa COMM Builders and technology Inc.,-PMP Inc. gas Saobracaj noong 2009 para sa maintenance ng LRT line 1.
Kabilang sa inireklamo noon ang pagdeploy ng 321 na janitors at pagbabayad ng P3.37 million para sa serbisyo ng mga ito na nakasaad umano sa kasunduan.
Sa ruling ng Sandiganbayan 5th division, hindi naiprisinta ng prosekusyon sa korte ang mga orihinal na kopya ng dokumento hinggil sa kasunduan ng dalawang partido.
Ayon sa Sandiganbayan, hindi sapat ang mga naisumiteng ebidensya ng prosekusyon para patunayang nai-disburse ang P3.37 million upang ipambayad sa serbisyo ng 321 na janitors.