P12M graft case laban kay dating LRTA chief Mel Robles ibinasura ng Sandiganbayan

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 09:32 AM

Ibinasura ng anti-graft court ang P12 million na graft case na kinakaharap ni dating Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Melquiades “Mel” Robles at labingdalawang iba pa.

Ayon sa Sandiganbayan, ito ay bunsod ng kawalan ng sapat na ebidensya na magdidiin sa mga dating opisyal.

Ang kaso ay may kaugnayan sa joint venture agreement na pinasok ng LRTA sa COMM Builders and technology Inc.,-PMP Inc. gas Saobracaj noong 2009 para sa maintenance ng LRT line 1.

Kabilang sa inireklamo noon ang pagdeploy ng 321 na janitors at pagbabayad ng P3.37 million para sa serbisyo ng mga ito na nakasaad umano sa kasunduan.

Sa ruling ng Sandiganbayan 5th division, hindi naiprisinta ng prosekusyon sa korte ang mga orihinal na kopya ng dokumento hinggil sa kasunduan ng dalawang partido.

Ayon sa Sandiganbayan, hindi sapat ang mga naisumiteng ebidensya ng prosekusyon para patunayang nai-disburse ang P3.37 million upang ipambayad sa serbisyo ng 321 na janitors.

TAGS: graft case, LRTA, Mel Robles, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Tagalog breaking news, tagalog news website, graft case, LRTA, Mel Robles, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, sandiganbayan, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.