outbrain

Bata patay sa sunog sa Bacolod City

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 09:02 AM

Isang bata ang nasawi sa sunog na naganap sa Bacolod City.

Nasunog ang isang bahay sa Purok Sigay, Barangay 2, Huwebes, nov. 28 ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, sunog na sunog ang bahay at mayroon pang tatlong bahay nadamay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sa bahay ng isang Belinda Cuadra nagsimula ang sunog at doon din natagpuan ang wala nang buhay na 5 taong gulang na bata.

Tinatayang aabot sa P50,000 ang halaga natupok na mga ari-arian.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: bacolod city, dire incident, fire, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, bacolod city, dire incident, fire, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.