Dagdag na 100 tauhan itatalaga sa NLEX para sa SEA Games
Magtatalaga ng 100 dagdag na tauhan sa North Luzon Expressway (NLEX) para sa SEA Games.
Kabilang sa dagdag na itatalaga ay mga field supervisors, patrol crews, traffic marshals, at security officers.
Layunin nitong matiyak ang hassle-free na biyahe sa NLEX dahil sa inaasahang pagdami ng bilang ng mga motorista na dadaan sa expressway sa kasagsagan ng SEA Games.
Itatalaga ang mga dagdag na tauhan sa Balintawak Cloverleaf NLEX entry, Ciudad de Victoria (Philippine Arena), Bocaue Interchange, at sa lahat ng major toll plazas sa Balintawak, Bocaue, Clark South, Clark North, new Bamban Interchange, San Miguel (Hacienda Luisita), at Tipo (Subic Freeport Expressway).
Tiniyak din ng Metro Pacific Tolways na sapat ang kanilang mga tauhan sa NLEX-SCTEX traffic control center para bantayan ang traffic situation lalo na sa bahagi ng New Clark City, Subic Bay Freeport Zone, at Philippine Arena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.