Sabayang Patak Kontra Polio campaign ng DOH nasa ikaapat na araw na
Ngayon (Nov. 28) ang ikaapat na araw ng Sabayang Patak Kontra Polio campaign sa Mindanao at Metro Manila.
Sa kampanyang ito ng DOH, lahat ng batang wala pang limang taong gulang ay babakunahan, kahit nabakunahan na dati o kumpleto ang bakuna laban sa polio.
Tiniyak ng DOH na kahit kumpleto na sa bakuna kontra polio noon ay walang ‘overdose’ effect kung babakunahan muli ngayon.
Ayon sa DOH, safe at effective ang oral polio vaccine at libre ding ibibigay sa mga bata.
Ang polio ay mabilis kumalat at makahawa.
Nagdudulot ito ng habangbuhay na pagkaparalisa at maaaring ikamatay.
Walang ring gamot sa polio at tganging bakuna ang paraan para maiwasan ito.
Ngayong may polio outbreak sa bansa, bawat dagdag patak ay dagdag proteksiyon.
Ayon sa DOH, hangga’t may mga batang hindi nabakunahan laban sa polio, patuloy na kakalat ang sakit na polio sa bansa.
Paalala ng ahensya sa mga magulang, siguruhing mapabakunahan ang inyong anak dahil kapag natamaan ang bata ng sakit na ito, mauuwi ito sa habangbuhay na pagkaparalisa at maaaring ikamatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.