Ang mga bagong rail car ay nasa Surabaya Port sa Indonesia habang hinihintay ang carrier ship na maghahatid ng mga bagon dito sa Pilipinas.
Mula sa nakatakdang departure date na November 30, inaasahang makararating sa bansa ang 6 na bagong bagon sa December 8 o 9.
Ang 6 na bagong bagon ay katumbas ng dalawang train sets.
Tatakbo ang mga bagong tren sa linya ng PNR na may rutang Tutuban-FTI at Malabon-FTI.
Sa sandaling maging operational na, tinatayang 18 hanggang 20 biyahe kada araw ang madaragdag sa serbisyo ng PNR.
Sa kabuuan, mayroong 37 rail cars na inorder ang PNR mula sa Indonesia.
Mayroon pang natitirang 31 bagon na idedeliver naman simula Disyembre 2019 hanggang Pebrero 2020.
Bubuo ang mga ito ng karagdagang 7 train sets na mayroong 4-car at 5-car configuration.