Pagsabog naitala sa petrochemical plant sa Texas, tatlo ang sugatan

Sugatan ang tatlong manggagawa makaraang maganap ang pagsabog sa isang petrochemical plant sa Texas.

Nangyari ang dalawang pagsabog sa TPC Group Plant sa Port Neches, Texas.

Nawasak ang mga bintanang salamin at pintuan sa planta bunsod ng malakas na pagsabog.

Dahil sa insidente, ipinag-utos ang paglilikas sa mga sa residente na nasa half-mile radius mula sa planta.

Nagsagawa din ng door-to-door checking nag mga otoridad para alamin kung may residente bang nasaktan.

Magugunitang noong Abril, nagkaroon din ng insidente sa isang planta sa Houston matapos masunog ang KMCO LLC na ikinasawi ng isang mangggawa.

Read more...