Claveria, Cagayan niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bayan ng Claveria sa lalawigan ng Cagayan.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa layong 41 kilometers northeast ng Claveria, alas 5:37 ng umaga ng Huwebes, Nov. 28.

Ayon sa Phivolcs may lalim na 17 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin nito.

Naitala ang intensity II sa Pasuquin, Ilocos Norte bunsod ng lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...