Spa na may iniaalok na extra service sinalakay sa QC; 6 na babae ang nasagip

By Dona Dominguez-Cargullo November 28, 2019 - 05:44 AM

Sinalakay ng mga tauhan ng Quezon City police District (QCPD) ang isang spa na sangkot din sa prostitusyon.

Sa ginawang pagsalakay sa spa na nasa Barangay Pasong Tamo, nasagip ang anim na babae.

Ayon sa mga tauhan ng QCPD, prostitusyon ang totoong nagananap sa spa.

Inaresto naman ang staff ng spa na dinatnan ng mga pulis.

Isang pulis ang nagpanggap na papasok sa spa at tinanggap ng staff ang bayad nito kapalit ng sexual service.

Hindi naman inabutan sa establisyimento ang may-ari ng spa.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 ang tauhan at may-ari ng spa.

TAGS: Barangay Pasong Tamo, extra service, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, quezon city, Radyo Inquirer, spa, Tagalog breaking news, tagalog news website, Barangay Pasong Tamo, extra service, PH news, Philippines Breaking news, Philippines News, quezon city, Radyo Inquirer, spa, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.