1 patay sa sunog sa residential area sa Bacoor, Cavite

Nasawi ang isang 59-anyos na ginang sa sunog na sumiklab sa Gardenia Valley, Molino 3, Bacoor, Cavite, hatinggabi ng Huwebes.

Ayon kay Bacoor City Fire Marshal Jude Sumeg-ang, ang biktima ay mag-isa lamang sa kanyang bahay nang maganap ang sunog.

Hindi na ito nakalabas pa dahil bedridden ito o hindi na makagalaw.

Nagsimula ang sunog alas-11:56 ng gabi at umabot sa ikatlong alarma bago naapula eksakto alas-12:57 ng madaling-araw.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na sa kwarto mismo ng ginang nagsimula ang apoy.

Tinitingnan ang faulty electrical wiring bilang sanhi ng sunog.

Aabot sa tatlong bahay ang natupok ng apoy sa subdivision.

Read more...