DFA: Walang Pinoy na nasaktan sa M6.4 na lindol sa Albania

Walang Filipino na nasaktan o nasawi matapos tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Albania noong Martes.

Ito ang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isang pahayag araw ng Miyerkules.

Ayon sa DFA, batay sa ulat ng Philippine Honorary Consulate sa Tirana, ang kabisera ng Albania, walang Pinoy na naapektuhan sa lindol.

Dalawampu’t anim na ang nasawi at higit 600 ang nasaktan sa natuang pagyanig.

Patuloy naman umano ang pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Rome sa Philippine Honorary Consulate at sa mga liders ng Filipino Community para malaman ang kanilang sitwasyon.

Narito ang pahayag ng DFA:

27 November 2019 – The Department of Foreign Affairs (DFA), through its Philippine Honorary Consulate in Tirana, reports that no Filipino died or was injured as a result of the 6.4 magnitude earthquake that struck Albania early morning of Tuesday, 26 November 2019.

The Philippine Embassy in Rome, which has jurisdiction over Albania, is in constant communication with the Philippine Honorary Consulate in Tirana and the Filipino community leaders in Albania to gather the latest developments on the incident.

Read more...