Malacañang: VP Robredo ‘deserving’ na masibak sa pwesto
Binanatan ng Palasyo ng Malacañang si Vice President Leni Robredo at sinabing ‘deserving’ o karapat-dapat naman na nasibak ito bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Sa statement araw ng Miyerkules, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi na nakagugulat pa ang mga pahayag at banta ng bise presidente matapos itong masibak.
“Her tirades and threats following her unceremonious but deserved firing is unsurprising. There is no greater fury than a woman scorned. There is a Spanish word that aptly describes her fall from grace: Merece (deserving),” ani Panelo.
Ang pahayag ni Panelo ay matapos sabihin ni Robredo na kahit hinahadlangan siya ay hindi naghahanap siya ng paraan para magawa ang kanyang trabaho.
Sa gitna anya ng napakaraming limitasyon, ang pinakamadali lamang gawin ng iba ay ang ipasa ang sisi.
“In an environment when the limitations given to you are just too much, ang pinakamadali kasi ay to pass the blame on others. Kung sasabihin mo na hindi ko nagawa ‘trabaho ko dahil uninspired ako sa aking boss; na hindi ako nag-perform dahil hindi ako well-motivated ng aking boss…kapag ganoon ang mga dahilan, hindi tayo tunay na lider,” ani Robredo.
Pero ayon kay Panelo, tumulong na si Pangulong Rodrigo Duterte kay Robredo para patunayan ang sarili.
“In the tunnel of darkness where she strayed aimlessly after a 100 percent rejection of her endorsed Otcho Derecho , she was given a lamp by PRRD to illuminate her way, but she carelessly broke it and she is back to where she was, groping with a blind vision,” ani Panelo.
Sinabi pa ni Panelo na sa kabila ng mga batikos ni Robredo sa pangulo, nananatili ang tiwala ng taumbayan rito kung pagbabatayan ang mga survey.
“Despite her non-performance and obstructionist perorations against the President, the latter has performed exceedingly well, and the Filipino people have stamped with a very good satisfaction rating his incomparable performance in the last three years. In contrast, the rambunctious critic has consistently rated very low In the surveys. Res ipsa loquitor (The thing speaks for itself),” giit ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.