Pamangkin ng Sultan ng Brunei na lalaban sa SEA Games isinugod sa ospital dahil sa peanut allergy

By Rhommel Balasbas November 28, 2019 - 01:23 AM

Isinugod sa ospital nitong Linggo ng gabi ang captain ng Brunei football team na si Faiq Jefri Bolkiah matapos magkaroon ng allergy dahil sa mani na kasama sa pagkaing naihain.

Si Faiq ang pamangkin ni Brunei Sultan Hassanal Bolkiah at anak ni Prince Jefri Bolkiah.

Sa press conference araw ng Miyerkules sinabi ni SEA Games executive chef Bruce Lim na namaga ang labi ng manlalaro matapos kumain ng curry.

Giit naman ni Lim, hindi naipaalam sa kanila ang peanut allergy n Faiq.

Dinala sa Manila Doctor’s Hospital si Faiq para bigyang-lunas at sa ngayon ay maayos na ang lagay nito.

Siniguro ni Lim sa publiko na tutugon sila sa dietary restriction at allergy ng mga atleta at bisita.

Bawat ingredient anya ng isang pagkain ay ipapaskil para makita ng mga atleta.

 

View this post on Instagram

 

International duty

A post shared by Faiq Jefri Bolkiah (@fjefrib) on Sep 6, 2018 at 9:20pm PDT

TAGS: 30th Southeast Asian (SEA) Games, Faiq Jefri Bolkiah, nephew of Brunei's sultan, peanut allergy, 30th Southeast Asian (SEA) Games, Faiq Jefri Bolkiah, nephew of Brunei's sultan, peanut allergy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.