LOOK: Mga simbahan sa bansa nakiisa sa Red Wednesday Campaign

By Rhommel Balasbas November 28, 2019 - 12:06 AM

Nasa 2,000 simbahan at unibersidad sa bansa ang nakiisa sa ‘Red Wednesday’ Campaign.

Pagsapit ng gabi, idinaos ang mga Banal na Misa at inilawan ng kulay pula ang harapan ng mga bahay-dalanginan at pamantasan.

Ang Red Wednesday ay inilunsad ng grupong Aid to the Church in Need (ACN) bilang pagpapakita ng pagkakaisa laban sa nagaganap na pang-uusig sa mga Kristiyano sa iba’t ibang bansa.

Noon lamang nakaraang taon, sinabi ng ACN na umabot sa 300 milyon Kristiyano ang nausig.

Ang pula ay ang Christian color ng martyrdom.

Sentro ng paggunita sa Red Wednesday ngayong 2019 ang Manila Cathedral.

Si Catholic Bishops’ Conference of the Philippinece (CBCP) Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang nanguna sa misa at ceremonial lighting ng kulay pula sa façade ng Manila Cathedral.

Sa kanyang homilya, sinabi ni David na ang pagiging martir ay hindi lamang ang kahandaang mamatay para sa pananampalataya kundi ito ay pagsasabuhay ng pananampalataya.

“Martyrdom is not about dying for the faith. It is about living for the faith no matter what the cost might be…Hayaan ninyong maging pagkakataon ito upang magbigay patotoo,” ani David.

Ipinaliwanag din ng obispo kung bakit mahalaga ang krus bilang simbolo ng pananampalatayang Katoliko gayong isa itong instrumento ng pagpapahirap at pananakit.

“Alam ko, natatakot tayo sa krus at kung minsan ay mayroon tayong ibang mga kapwa-Kristiyano (na) nagtataka bakit daw tayo nakatutok sa krus gayong si Kristo ay muling nabuhay… Well, today I would like it to make a clear that the cross is not a morbid symbol. The cross does not symbolize suffering and death. Rather, the cross stands for love, the unconditional love of God. The love that is not afraid to suffer and die for the beloved. That is why Jesus said at the last supper when he held the chalice, ‘this is the chalice of my Blood, this is the Blood of the new and eternal covenant which will be poured out for you and many, for the forgiveness of sins,’” ani David.

Sa Pilipinas, hindi bago ang Christian persecution at isa sa mga pinakahuling kaganapan na kontrobersyal ay ang Marawi Siege.

Dahil dito, tampok sa Manila Cathedral ang walang ulo na imahen ng Maria Auxiliadora Delos Cristianos De Marawi, ang imahen ng Birheng Maria na sinira ng ISIS-inspired Maute terror group noong 2017.

Mas mataas ng 25% ang bilang ng simbahan at unibersidad sa bansa na lumahok ngayon sa Red Wednesday kumpara noong 2018.

TAGS: #RedWednesday, Aid to the Church in Need (ACN), Christian persecution, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, #RedWednesday, Aid to the Church in Need (ACN), Christian persecution, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.