Ayon kay Sotto, sa mga nasalihan niyang torneo sa labas ng bansa bilang national bowling player noong dekada 70 hanggang 80, hindi hamak na mas maganda pa ngayon ang ginagawang paghahanda para sa SEA Games.
Ibinahagi pa nito na ilang beses silang pinabayaan ng host country sa kagustuhan na matalo ang Philippine team, ngunit hindi naman nagtagumpay aniya ang masasamang hangarin.
Pagdidiin pa ng senador, hindi obligasyon ng host country na pakainin ang mga banyagang atleta kayat hindi dapat ireklamo ang sinasabing hindi maayos na pagkain.
Dagdag pa nito, noon ay kaniya-kaniyang bayad sa accommodation at pagkain ang mga dayong atleta.
Sinabi pa ni Sotto na masuwerte pa na maituturing ang foreign athletes dahil napaka-‘hospitable’ ng mga Filipino.