SP Tito Sotto dinipensahan ang maayos na SEAG preps

By Jan Escosio November 27, 2019 - 09:11 PM

Inihalimbawa na ni Senate President Vicente Sotto III ang kaniyang mga naging karanasan bilang pambansang atleta sa mga negatibong isyu na bumabalot sa 30th Southeast Asian (SEA) Games sa bansa.

Ayon kay Sotto, sa mga nasalihan niyang torneo sa labas ng bansa bilang national bowling player noong dekada 70 hanggang 80, hindi hamak na mas maganda pa ngayon ang ginagawang paghahanda para sa SEA Games.

Ibinahagi pa nito na ilang beses silang pinabayaan ng host country sa kagustuhan na matalo ang Philippine team, ngunit hindi naman nagtagumpay aniya ang masasamang hangarin.

Pagdidiin pa ng senador, hindi obligasyon ng host country na pakainin ang mga banyagang atleta kayat hindi dapat ireklamo ang sinasabing hindi maayos na pagkain.

Dagdag pa nito, noon ay kaniya-kaniyang bayad sa accommodation at pagkain ang mga dayong atleta.

Sinabi pa ni Sotto na masuwerte pa na maituturing ang foreign athletes dahil napaka-‘hospitable’ ng mga Filipino.

TAGS: 30th SEA Games, SEA Games 2019, Vicente Sotto III, 30th SEA Games, SEA Games 2019, Vicente Sotto III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.